Sa dami ng online transactions ngayon, mabilis na rin kumalat ang iba’t ibang klase ng scam. Minsan may nagpapanggap na kamag-anak, kaibigan, o remittance agent para lang makuha ang pera mo. Kaya mahalagang maging alerto at maingat sa bawat pagpapadala. Heto ang ilang simpleng tips para siguradong ligtas ang kwarta mo.
I-verify muna ang tatanggap bago magpadala. Bago ka magpadala, siguraduhing tama ang pangalan at contact details ng padadalhan. Kung may duda ka sa message o request, tawagan mismo ang taong tatanggap para makumpirma. Mas mabuti nang sigurado kaysa magsisi sa huli.
Pumili ng legit at kilalang remittance center. Huwag basta-basta magpadala sa kung saan lang. Pumili ng remittance company na subok at may magandang reputasyon. Para sa subok at maaasahan nga money remittance service, M Lhuillier! May mahigit 3,000 branches nationwide na pwede mong lapitan. Iwasan din ang pagpapadala sa mga hindi kilalang online sellers o sa mga hindi verified ang identity.
Huwag magbahagi ng personal details sa kahit sino. Hindi kailangan ibigay ang OTP, PIN, o account details mo sa kahit sino kahit pa mukhang legit ang nag-text o tumawag. Karaniwang ginagamit ng scammers ang mga impormasyong ‘yan para ma-access ang pera mo o makuha ang padala.
Bantayan ang bawat transaction. Laging humingi ng official receipt o transaction confirmation tuwing magpapadala. Sa M Lhuillier, may SMS notification ka pang matatanggap kapag na-process na ang padala mo para siguradong updated at kampante ka.
Gamitin ang secure at convenient na paraan ng pagpapadala. Kung gusto mo ng mas mabilis at cashless na paraan, gamitin ang MCash Wallet App ng M Lhuillier. Puwede kang magpadala ng kwarta anytime, anywhere — diretso sa phone mo. Simple, safe, at hassle-free pa.
Sa panahon ngayon, mahalaga ang pagiging maingat sa bawat transaction. Sa M Lhuillier, siguradong ligtas, mabilis, at maaasahan ang bawat padala — whether local or international. Kaya kung gusto mong siguradong makarating sa tamang tao ang pinaghirapan mong kwarta, sa M Lhuillier ka magpadala.
Padala nang may tiwala, sa M Lhuillier — Tulay ng PaMLyang Pilipino.
M Lhuillier, the Philippines’ largest and most respected non-bank financial institution, continues to uphold its promise of being the Tulay ng PaMLyang Pilipino, with more than 3,000 branches nationwide. It continuously provides fast, easy, and reliable financial services such as Kwarta Padala, Quick Cash Loan, Car Loans, Home Loan, Bills Payment, Insurance Plan, Money Exchange, Jewelry, MCash Wallet, ML Express, ML Moves, and Telco & Online TV Loading.
Follow M Lhuillier Financial Services, Inc. on Facebook, or visit mlhuillier.com for more information. For inquiries, contact Customer Care at: +63-947-999-0337 | +63-947-999-2721 | +63-917-871-2973 | +63-947-999-0522 | +63-947-999-2472 customercare@mlhuillier.com