May mga pagkakataon talaga na kailangan natin ng agarang pera para pambili ng gamot, pambayad ng tuition, o panggastos sa biglaang pangyayari. Isa sa mga pinaka-mabilis at praktikal na paraan para makakuha ng cash ay ang pag-prenda. Pero bago ka pumunta sa pawnshop, mainam na alam mo muna kung anong mga bagay ang tinatanggap at kung magkano ang puwedeng ma-loan mula rito.
1. Alahas.
Ito ang pinaka-common na item na isinasangla. Dahil may tunay na halaga ang ginto, madali itong ma-appraise at maibenta kung sakaling hindi matubos. Mas mataas ang value ng pure gold jewelry, lalo na kung maganda pa ang kondisyon at may tamang karat rating.
2. Gadgets (Cellphone, Laptop, Tablet)
Sa digital age ngayon, malaking halaga rin ang nakukuha sa mga gadgets. Ang mga latest models, lalo na kung maayos pa ang kondisyon at kumpleto ang accessories, ay pwedeng isangla. Siguraduhin lang na gumagana ang unit para mas mataas ang appraisal.
3. Sasakyan (OR/CR as Collateral)
Kung mas malaking halaga ang kailangan mo, puwede ring gamitin ang sasakyan bilang collateral. Ito ang tinatawag na car pawn o car loan, kung saan maiiwan lang ang OR/CR bilang security habang nagagamit mo pa rin ang kotse. Depende ang loan amount sa brand, model, at kondisyon ng sasakyan.
4. Bahay o Lupa (TCT/CCT as collateral)
Para sa mas malaking pangangailangan, puwede ring gamitin ang property bilang collateral. Kung mas malaking halaga ang kailangan mo, puwede mong gamitin ang TCT o CCT ng iyong bahay o lupa bilang collateral. Sa ganitong paraan, makakakuha ka ng mas malaking loan depende sa value ng property. Siguraduhin lang na kaya mong bayaran sa tamang oras para manatiling sayo ang pagmamay-ari.
5. Mga Gamit sa Bahay at Ibang Mahahalagang Items
Hindi lang alahas o gadgets ang puwedeng i-prenda — pati mga gamit sa bahay na may halaga! Kasama rito ang mga home appliances tulad ng refrigerator, TV, o washing machine, pati cookware, silverware, at kitchenware na mataas ang kalidad. Pwede ring i-prenda ang power tools, musical instruments gaya ng gitara, pati watches, Ray-Ban sunglasses, at maging medical equipment kung
maayos pa ang kondisyon. May iba ring tumatanggap ng bicycles, Nintendo consoles, at sewing machines, basta’t kompleto at gumagana nang maayos.
Important Tip: Anuman ang gusto mong ipa-prenda, siguraduhing pipili ka ng mapagkakatiwalaang pawnshop na transparent sa appraisal at may maayos na serbisyo.
Kung gusto mong makakuha ng cash nang mabilis, madali, at walang stress, magpunta na sa M Lhuillier! Kilala sa buong bansa sa honest appraisal, secure transactions, at excellent customer service, kaya siguradong nasa mabuting kamay ka. Mula alahas hanggang gadgets, maaasahan mo ang M Lhuillier Quick Cash Loan sa oras ng pangangailangan.
Kaya kung kailangan magka-cash agad — sa M Lhuillier ka magtiwala.
Mabilis. Madali. Maaasahan.
M Lhuillier, the Philippines’ largest and most respected non-bank financial institution, continues to uphold its promise of being the Tulay ng PaMLyang Pilipino, with more than 3,000 branches nationwide. It continuously provides fast, easy, and reliable financial services such as Kwarta Padala, Quick Cash Loan, Car Loans, Home Loan, Bills Payment, Insurance Plan, Money Exchange, Jewelry, MCash Wallet, ML Express, ML Moves, and Telco & Online TV Loading.
Follow M Lhuillier Financial Services, Inc. on Facebook, or visit mlhuillier.com for more information.
For inquiries, contact Customer Care at: +63-947-999-0337 | +63-947-999-2721 | +63-917-871-2973 | +63-947-999-0522 | +63-947-999-2472 customercare@mlhuillier.com